CASTLEKEEP

BUWAN NG WIKA: WEAR THE CULTURE, SPEAK THE LANGUAGE
News

BUWAN NG WIKA: WEAR THE CULTURE, SPEAK THE LANGUAGE

Euvylle Lumantas By Euvylle Lumantas August 28, 2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, nagtipon ang mga empleyado ng CK
para sa isang makulay at makabuluhang Filipino-Inspired Fashion Show noong Agosto 28,
2026, sa HO Lobby area.

Sa temang “Wika ng Bayan: Sandigan ng Kabansaan,” hinamon ang mga kalahok na ipakita
ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng kanilang kasuotan at ipahayag ang kanilang mga
saloobin gamit ang wikang Filipino. Sa bawat pagharap sa entablado, sinagot ng mga kalahok
ang mga tanong na may kaugnayan sa wikang Filipino, kulturang Pilipino, at mga tradisyon at
kaugaliang bahagi ng ating pagkakakilanlan. Ipinamalas nila ang kanilang kaalaman,
kahandaan, at husay sa pagpapahayag habang ibinabahagi ang kanilang mga pananaw sa
bawat tanong.

Higit pa sa isang fashion show, naging pagkakataon ang aktibidad upang ipagmalaki ang
kulturang Pilipino, bigyang-buhay ang wikang Filipino, at ipakita ang talento at personalidad ng
bawat kalahok. Tampok din dito ang masiglang pagtanggap at suporta ng mga empleyado na
naging bahagi ng pagdiriwang.

Sa huli, kinilala ang mga kalahok na nangibabaw sa iba’t ibang pamantayan ng patimpalak.
Nanguna si Rosie Navarro (Winner) mula sa Payroll Department, sinundan ni Rica Mae Pepito
(1st Runner-Up) Mula sa HR Department, Kaye Orevillo (2nd Runner-Up) mula sa HR
Department, at Karla Erika Cortez (3rd Runner-Up) mula sa Fixed Asset and Inventory
Management Department.


Sa pamamagitan ng aktibidad, muling napatunayan na ang wika at kultura ay hindi lamang
bahagi ng ating pagkakakilanlan, ito rin ay tulay na nagbubuklod sa bawat isa